FAQ - Frequently Asked Questions

ALL NETWORKS BA ANG PWEDE I-LOAD SA LOADXTREME?

Pwedeng i-load ang lahat ng Philippine telco networks via LoadXtreme.
Sapagkat may partnership ang LX Corporation sa Smart at Globe, pwede rin ne’to i-load ang mga affiliate networks ne’to tulad ng TNT, Cherry Prepaid, ABS-CBN, TM at Sun Cellular. Maliban pa rito, pwede rin ne’to iload ang ibang prepaid based services tulad ng Cignal Prepaid, Sky Prepaid, Dream Satellite TV at Garena/League of Legends.

Eto ang kumpleto at updated na listahan ng mga produkto ng LoadXtreme: Prepaid Products.


SAAN BA PWEDENG MAG-REPLENISH NG LOADWALLET?

Ang inyong LoadXtreme account ay pwedeng i-replenish sa mga major banks, remittance centers at 7-11 convenience stores nationwide. Para sa kumpletong detalye sa pag-rereplenish, i-click ang link na ito: >> Loadwallet Reload


PWEDE BA ITONG BUSINESS NATIONWIDE?


Basta’t kayo’y may signal o internet connection, pwedeng pwede itong negosyo na ito. Kami rin po ay bilib na bilib sa mga partner namin na OFW na ginagawa ang negosyo kahit na sila’y nasa KSA, Kuwait at UAE. Kahit na kayo’y nasa abroad o probinsya, makakaasa po kayo sa tuloy-tuloy na suporta galing sa mga dealer-affiliates na tulad namin at sa LX Corporation.


PWEDE BANG MAGBENTA NG LOAD KAHIT WALANG REGULAR LOAD?

Actually, pwede po sapagkat tayo’y may 4 ways to load:

1. Facebook Messenger Loading - ito ang pinakabagong paraan para makapagbenta ka ng load. Gamit ang inyong fb messenger, kahit FREE DATA ka lang pwede! LoadXtreme lang po ang FIRST at ORIGINAL na merong ganitong service.

2. SMS / Text – kailangan may regular load po kayo o kayo’y naka-unlitext promo para libre na po ang pag-loload ninyo. Ang bawat telco ay may LoadXtreme gateway number kaya’t kahit unli to same network lang na tig-10 pesos per day, halos libre na ang loading ninyo.

3. Android app – ang LX Corporation ay mayroong app na inilabas para sa mga Android smartphones.
Libre ang loading sa app at eto’y menu based kaya’t mas madali itong gamitin. Kinakailangan lamang na mayroong data o wifi connection upang ito’y magamit.

Ang app ay makukuha sa Google Playstore ng libre, i-click lang ang Playstore link: LX App.

4. Online webtool – ang bawat retailer account ay may access sa kanilang sariling online webtool kung saan pwedeng mag-check ng loadwallet balance, transactions at mag-load sa iba. Kinakailangan lamang ng access sa data o wifi upang ito’y magamit.

PWEDE KO BA GAMITIN ANG EXISTING SIM KO?

Isa sa kinagandahan ng LoadXtreme kung ikukumpara sa traditional loading ay ang mga Retailer accounts at details ay nakatali sa ID number at PIK, hindi sa mismong SIM kaya’t pwedeng gumamit ng iba’t ibang SIM at cellphones sa pag-loload basta’t gamitin lamang ang parehong ID number at PIK sa mga loading commands na ipinapadala sa LoadXtreme Gateway.

Marapatin lamang na ipadala ang loading commands sa gateway number ng kaparehang network ng SIM na ginagamit; halimbawa, kung Smart SIM ang gamit sa paglo-load, ipadala ito alinman sa mga Smart gateway numbers upang mapabilis ang transaction at kung kayo’y naka-unlitext to Smart, libre na po ang loading.